Tuesday, April 27, 2010

Esep-Esep

E.
L.
E.
C.
T.
I.
O.
N.

Monday, April 19, 2010

mayo diyes

kanina lang, kinumpirma ng nanay ko na nakakuha na siya ng ticket ko pabalik ng maynila. maaga na akong nagpareserba dahil tiyak punuan naman ang mga bus paalis at paluwas ng maynila. oo. uuwi ako sa probinsya namin para lang bumoto. mahirap marahil sa iba at hassle siguro, or sadyang wala lang... "bakit pa?" pero kailanman, hindi ko inisip na pabigat ang araw na to dahil ito ang magtatakda ng maaring maging pagbabagong matagal na rin naman siguro nating inaasam para sa baansa.

pero sa kabilang banda, napaisip ako, sinu-sino nga ba ang iboboto ko?

may ilang linggo pa para mag-isip. KAYO?

Sunday, January 10, 2010

taon dalawanglibo't sampu

sa pagsisimula ng bagong taon, dasal ko ang pagbabago para sa Pilipinas, ang pagahon nnito mula sa mga trahedya - gawa man nang mapaglarong kapalaran, nang nagbabaging kalikasan, o mismong gawa nang 'sang katauhan, at ang ating pagkakisa para makamit ang mga ito, na sa ating paghahawak-hawak ng kamay at pagtutulungan, ay makakamit ng walang hirap at sakit. Sa paghahrap na ito sa taong darating, dasal ko ang kapayapaan at pagmamahalan hidi lang sa bansa ngunit sa buong mundo.

Friday, May 8, 2009

Biyahero

Mula pa noon hanggang ngayon, nagcocomute pa rin ako.
Nagpapahatid ng Pedicab hanggang gate ng subdibisyon.
Magtatarysikel.
Sasakay sa Bus.
Matatarafik.
Makikipagsiksikan sa jip.
Matratrafik uli.
Jip uli, bus, jip uli.
Magpapasundo ng pedicab.
Paminsan-minsan, nagva-Van, kung di nagtitipid at gusto makauwi ng maaga.
Kung di alam ang pupuntahan, magtataxi.
Kung iiwas sa trafik, mag ti-tren.
Pero madalas, paulit-ulit.
Yun at yun din.
Papasok.
Matratrafik.
Uuwi.
Natrafik pa rin.
Matutulog.
Kinabukasan…parehong biyahe pa rin.

Monday, April 27, 2009

gentle (wo)man

puno na yung bus.

"tayuan na po. tayuan!", sigaw ng konduktor.

katulad ng dati, marami pa ring sumakay, siguro dahil sa ingles, "NO CHOICE."

noong pagkakataong iyon, may nakatayong lola (nasa marahil singkwenta mahigit), halos tapat lang ng nakaupong mama, nakauniporme, nagoopisina siguro, at tapat din ng dalagita, mukhang estudyante, na tumayo at binigyan ng upuan si lola.

Napalitan na ba ng woman ang man sa "GENTLEMAN"?

Kahit sana gawin na lang nila ng wala sa loob (kung kaya nga) ang ganitong simpleng gawi. Kahit sana, "NO CHOICE" , gawin ko na lang, matanda kasi, o buntis kasi...kahit na lang hindi dahil, babae siya.

Hayhay. No offense. Nakita ko lang uli ang ganitong insidente, at sa totoo, marami na rin akong nakikitang ganito, kasi dahil ako, nagawa ko na.

walang bigayan

"buti nga, bababa na lang ako, eh ayaw namang magsibigayan eh!!!", galit na bulalas ng ale habang papalabas ng jip.

sino nga ba ang hindi marunong magbigay?

yung ale na ayaw umurong ng konti pang espasyo sa kanyang kaliwa, at magsakripisyo ng kaunting oras ng pagkakasiksik para makaupo ng maayos at makauwi na rin yung isa pang ale na bagong sakay?

yung drayber ng jip at dispatcher na ayaw ding patakbuhin ang jip at kumita ng marahil, masmalaki-laki, hanggat hindi ito napu[uno, kahit sa totoo, lagpas pa siguro sa totoo nitong "capacity" ang pilit nilang pinapasakay?

yung ale na huling sumakay ng jip, nagmaktol, at nagpakita ng garapal na ugali, na para bang kasalanan ng lahat ng pasahero kung bakit hindi siya makaupo ng maayos?

ewan.

ako? na hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga tauhang ito na iwasto hindi siguro ngayon, kundi bukas o sa susunod na mga araw, para magbago?

Saturday, April 25, 2009

epal

Pulis: Obstruction of Justice yan!
Konsensya: Nasan ang hustisya?

Pulis: May Inconsistencies sila!
Konsensya: Konsistent ba tayo sa pagsulong ng karapatang pantao?

Pulis: Hindi sila agad nagreport sa pulis!
Konsensya: Kung nireport agad, mabilis bang makakaresponde?

Pulis: Maaring may krimeng nangyari!
Konsensya: Pagkatapos ng insidente?

Pulis: Walang nangyaring abuse of authority!
Konsensya: Anong tawag dun?